
Ito ang nakasulat sa isang kabaong na inilagay ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng Senado.
Ayon sa mga nagtitipong Duterte supporters, maituturing na umanong patay ang demokrasya dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.
Nagpahayag din sila ng suporta kay Senate President Alan Peter Cayetano.
Kanina, humarap din sa kaniyang mga tagasuporta sa labas ng Senado si Senador Rodante Marcoleta.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Marcoleta na kuntento siya sa naging testimonya ng tinaguriang “18 Marines” sa Senado.
Ayon sa senador, nananatiling pare-pareho at hindi nagbabago ang mga pahayag ng 18 Marines kaugnay ng umano’y flood control anomaly.
Samantala, nananatiling mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng pulisya sa paligid ng Senado habang mapayapang isinasagawa ng mga Duterte supporter ang kanilang programa.










