Thursday, June 4, 2026

Bawas-singil sa kuryente at tubig ng mga subscriber ng Maynilad Water Services, Inc., epektibo na sa July 1

Epektibo na sa July 1 ang bawas-singil sa kuryente at tubig para sa mga konsyumer ng Maynilad Water Services, Inc., ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office.

Kasunod ito ng pag-apruba ng MWSS Board of Trustees sa naging pagsusuri ng regulatory office para sa 3rd quarter 2026 Foreign Currency Differential Adjustment.

Dahil dito, mababawasan ng P0.12 per cubic meter ang mga konsyumer ng Maynilad sa West Concession Area, habang wala namang magbabago sa singil ng Maynilad sa mga konsyumer sa East Concession Area.

Ang nasabing taripa ay alinsunod sa mga alituntunin ng FCDA sa ilalim ng Amended Revised Concession Agreements ng ahensya at mga concessionaire.

Facebook Comments