Nagsagawa ng establishment visitation at security inspection ang mga miyembro ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Bayambang Police Station sa iba’t ibang bangko at institusyong pinansyal sa bayan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.
Kabilang sa sinuri ng mga pulis ang kondisyon ng mga kandado ng mga establisimyento, gayundin ang mga kanal at drainage sa paligid ng mga gusali na maaaring magsilbing daanan o pasukan ng mga magnanakaw at holdaper.
Ang regular na pagbisita at inspeksiyon sa mga establisimyento ay bahagi umano ng pagpapanatili ng seguridad ng mga bangko at maprotektahan ang mga empleyado, kliyente, at ari-arian ng mga ito.
Patuloy namang pinaaalalahanan ang mga may-ari at administrador ng mga establisimyento na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










