MANGALDAN PNP, PATULOY NA NAGMOMONITOR SA KALAGAYAN NG ANGALACAN RIVER

Patuloy ang isinagawang pagmamanman ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) sa Angalacan River sa Barangay Embarcadero, Mangaldan, Pangasinan, bilang paghahanda at pag-iingat sa epekto ng Tropical Depression “Luis.”

Ang isinagawang monitoring upang mabantayan ang lebel at kalagayan ng tubig sa ilog at matiyak ang kaligtasan ng mga residente at iba pang nasa mga kalapit na lugar.

Kasabay nito, nagpatupad din ng police visibility ang mga pulis at nagpaalala sa publiko na manatiling mapagmatyag, magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat, at agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling magkaroon ng emerhensiya o mapanganib na sitwasyon.

Ayon sa Mangaldan MPS, bahagi ang patuloy na monitoring sa mga hakbang sa sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at kahandaan ng komunidad sa gitna ng masamang panahon dulot ng Tropical Depression “Luis.” | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments