
Walang isinumiteng listahan ng mga confidential activities si Vice President Sara Duterte sa paggamit nito ng P112.5 million na confidential funds ng Department of Education (DepEd) noong 2023.
Sa Day 12 ng impeachment trial ay ipinagpatuloy ang direct examination kay Commission on Audit (COA) Auditor Roderick Wamil kung saan binusisi ang disbursement details ng tig P37.5 million confidential funds ng DepEd sa first, second at third quarter ng 2023.
Ipinakita sa paglilitis ang tatlong physical at financial plan ng DepEd noong 2023 kung saan pirmado ang lahat ng ito ni VP Duterte na noo’y DepEd Secretary ang mga dokumento para sa P37.5 million confidential funds.
Batay sa obserbasyon ni Wamil, hindi nakasaad sa dokumento ang listahan ng mga activities na pagbabatayan sa paggamitan ng confidential funds.
Iprinisinta sa trial ang mga dokumento kung saan makikitang walang isinumite ang DepEd ng listahan ng detalye ng expenditures para sa paggamit ng confidential funds, kabilang dito ang:
– Counter Insurgency Programs na nasa P9.2 million
– Anti-illegal activities operations na P9.140 million
– Anti-extremism/terrorism programs na P9.035 million
Maging ang mga cash advances ng disbursement vouchers sa tatlong Quarters para sa pag-release ng confidential funds ay nilagdaan din ni VP Duterte.
Samantala, iprinisinta rin ang tatlong Office of the Vice President liquidation reports kung saan batay sa COA, hindi nagsumite ang tanggapan ng bise ng documentary evidence para sa mga payments ng third quarter liquidation na malinaw na paglabag sa Joint circular 2015-01.










