
Na-raffle na sa 3rd Division ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Isinagawa ang raffle matapos pormal na ihain ngayong Lunes ng Office of the Ombudsman ang kaso laban kay Romualdez at iba pang kapwa akusado.
Ibig sabihin, ang 3rd Division na ang hahawak sa kaso at sa mga susunod na proseso nito, kabilang ang pagdetermina ng probable cause at mga kaukulang kautusan ng korte.
Matatandaang ilang minuto bago mag-alas 12 nang dumating sa Sandiganbayan si Assistant Ombudsman Mico Clavano para personal na ihain ang kaso.
Facebook Comments










