Tuesday, September 8, 2026

PNP-CIDG, ipapaalam sa korte ang kalagayan ni ex-House Speaker Martin Romualdez kasabay ng pagbabalik ng kanyang warrant of arrest

Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na isinilbi nila ang Warrant of Arrest laban former House Speaker Martin Romualdez nitong 7:45 ng gabi, kahapon sa Cardinal Santos Medical Center sa Barangay Greenhills, San Juan City.

Ang nasabing warrant ay para sa kaso nitong Plunder kasama ni Zaldy Co at ng dalawang iba pa kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Isinilbi kay Romualdez ang nasabing warrant habang ito ay nakaconfine sa nasabing ospital dahil umano sa cardiovascular activity at anxiety.

Inaasahan naman na ibabalik ng CIDG ang warrant sa Sandiganbayan at ipapaalam sa korte ang kasalukuyang estado ng nasabing dating house speaker.

Hinihintay naman ng CIDG ang kautusan mula sa Sandiganbayan para sa tamang disposisyon ng nasabing akusado.

Facebook Comments