Tuesday, September 8, 2026

Defense team, inaming hindi inaasahang hindi na ipipresenta ng prosekyusyon ang mga natitira nitong witness para sa Article 1 ng impeachment ni VP Sara

Inamin ni Defense Counsel Atty. Michael Poa na hindi nila inaasahang hindi na ipapasalang ng prosekyusyon ang mga natitira nitong testigo para sa unang Articles of Impeachment o ang umano’y Misused of Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Poa, maaring na-meet na ng prosekyusyon ang kanilang target.

Dagdag pa nito, maging ang defense team ay gagawin din naman iyon kung sakali.

Samantala, hindi naman nakikita ng depensa na tinayming ng proseksyusyon ang plano nilang ipa-subpoena si VP Duterte kasabay ng hindi na pagpapasalang sa mga natitira nilang testigo.

Ayon kay Poa, na-anticipate na nila ito pero hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan lalo na at ito ay manipestasyon pa lamang.

Facebook Comments