Matagumpay at masiglang idinaos kamakailan ang SAGAYLA Binmaley 2026 bilang pagdiriwang ng Pride Month noong nakaraang buwan ng Hunyo.
Ito ay naging makabuluhang pagkakataon upang malayang maihayag ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community tungkol sa usapin ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa dignidad ng bawat mamamayan, anuman ang kanilang kasarian o identidad.
Binigyang diin ng lokal na pamahalaan ng Binmaley ang kanilang ptuloy na suporta sa LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng pagsulong nito isang kapaligirang ligtas, bukas, at inklusibo—kung saan ang bawat isa ay may pantay na karapatan, oportunidad, at paggalang na walang diskriminasyon at hindi tinitingnan ang pinanggalingan o katayuan sa buhay.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang makulay na parada, mga talakayan, at pagtatanghal na nagbigay-daan sa mas malalim na pagkakaunawaan at pagbubuklod ng lahat ng sektor na nakiisa sa pagdiriwang.
Ipinakita ng SAGAYLA Binmaley 2026 na sa pamamagitan ng respeto, pagkakaisa, at wagas na pagmamahal sa kapwa, mas nagiging makulay, matatag, at maunlad ang komunidad para sa bawat Binmalenyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










