DAGUPAN CITY, KINIKILALA BILANG BUSINESS-FRIENDLY HUB DAHIL SA DUMARAMING MGA INVESTOR — MAYOR BELEN

Ibinida ng alkalde ng Dagupan City na patuloy na umuusbong ang lungsod bilang pangunahing sentro ng negosyo sa rehiyon, kasabay ng pagdami ng mga negosyanteng pumapasok sa lugar.

Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, mahigit 300 negosyo na ang patuloy na nagbubukas at nagpapalawak ng operasyon sa lungsod, kabilang ang mga restaurant, retail shops, at apartment units.

Ito ay matapos ang groundbreaking ceremony ng isang panibagong fast food chain sa lungsod noong Hunyo 30.

Kabilang sa mga dahilan ng pagdami ng investors, ayon sa alkalde, ay ang mabilis na proseso ng business permit applications na batay umano sa Investment Board.

Binibigyang-diin din na pinagtutuunan ng lungsod ang job creation para sa mga kabataan.

Sinabi ni Fernandez na ₱250 milyong taunang pondo ang inilalaan para sa scholarship program ng lungsod kada taon kung saan parte ng isinusulong ang sapat na kwalipikadong workforce sa hinaharap.

Kaugnay nito, hinimok ng alkalde ang mga investors at publiko na patuloy na tangkilikin at magnegosyo sa Dagupan City, na aniya’y bukas para sa lahat ng oportunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments