Pormal nang nilagdaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 1 at ng Lokal na Pamahalaan ng Aringay, La Union kasama ang Sangguniang Bayan, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) upang isama ang Integrated Coastal Management (ICM) Plan sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng bayan.
Sa ilalim ng MOA, magtutulungan ang DENR Region 1 at ang lokal na pamahalaan upang maisama ang coastal at marine resource management sa mga polisiya at plano sa pagpapaunlad ng bayan.
Ayon sa DENR, ang integrasyon ng ICM Plan sa CLUP ay naglalayong matiyak na ang mga desisyon sa paggamit ng lupa ay naka saalang-alang sa pangangalaga ng mga baybaying lugar at likas na yaman.
Ang ceremonial signing ay dinaluhan ng mga opisyal ng DENR Region 1, Lokal na Pamahalaan ng Aringay, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan bilang bahagi ng pagpapatibay sa kasunduan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







