
Naglabas ang Office of the Vice President (OVP) ng kanilang Annual Report para sa taong 2025.
Batay sa OVP 2025 Annual Report, 92.32% ng kanilang P913.243 million alokasyon ay nagamit ng maayos sa mga komunidad lalo na sa isolated na mga lugar.
Nakapagtala rin anila ang OVP ng 81% disbursement rate.
Ayon sa OVP, kabilang sa kanilang mga programa ay libreng sakay, ayuda sa mga sinalanta ng kalamidad, negosyo para sa mamamayan, medical at burial assistance, at iba pa.
Tiniyak din ng OVP ang patuloy nilang commitment para sa responsableng paggamit ng budget kasabay ng pagdedeliver ng serbisyo sa publiko.
Idinagdag ng OVP na ang kanilang budget performance ay tumutugma sa kanilang Very Satisfactory rating sa 2024 Annual Performance Review ng Department of Budget and Management (DBM).










