33 mga kabataan mula sa Marawi City, nag-enroll sa ibat-ibang paaralan sa Cebu

130

Cebu City, Philippines – Umabot sa 33 mga estudyante mula sa Marawi City ang naitalang nag-enroll sa mga pangpubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Cebu .

Inihayag ni Cebu City Schools Division Supt .Dr. Benito Dagatan na 26 sa mga ito ang nag-enroll sa mga public schools habang ang pito ay nasa pribadong mga paaralan sa lungsod.


Tinulongan ng DepEd na makapasok sa pribadong eskuwelahan ang nasabing mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sertipikasyon na maari nitong ma-verify ang record ng mga nasabing estudyante sa online system.

DZXL558, Khen Galinea

Facebook Comments