Nananatili pa rin ang presyo ng mga produktong karne tulad ng baboy, baka at manok sa mga pamilihan sa Pangasinan ngunit nagbigay katiyakan rin ang mga vendors na sariwa at dekalidad ang kanilang tinda mula sa mga slaughterhouse sa kabila ng nararanasang mainit na panahon bagay na tiniyak rin ng National Meat Inspection Service (NMIS).
Sa isinagawang webinar ng tanggapan, inihayag ni NMIS Senior Meat Control Officer, Dr. Paulo Siralde na sinisiguro nila ang kalidad ng mga karneng pumapasok sa mga pamilihan tulad sa Pangasinan sa pamamagitan ng regular na inspeksyon.
Upang higit na masiguro ay maaari din hanapan ang mga ito ng meat inspection certificate, patunay na dumaan sa tamang proseso at inspeksyon ang mga tindang karne.
Mayroon din umanong opisina ang tanggapan sa Urdaneta City kung saan sakop ang buong rehiyon uno para sa pagbabantay ng mga pumapasok ng mga produktong karne sa mga bayan at lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





