BI, bukas sa modernisasyon ng NAIA

Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang planong modernisasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Partikular ang isinusulong na pagsasapribado sa paliparan.

Ayon sa BI, mas mapapabilis ang kanilang pagproseso sa mga pasahero sa oras na ma-upgrade ang mga pasilidad sa NAIA.


Kapag naging maluwag din anila ang airport ay mas madaling magdagdag ng immigration counters at maiiwasan na ang mahabang pila ng mga pasahero.

May sapat din anilang mga tauhan ang BI para sa pagdagdag ng immigration counters sa airport.

Facebook Comments