Kahilingang makapagpiyansa ni dating Sen. Leila de Lima, binasura ng Muntinlupa RTC

Binasura ng Muntinlupa RTC Branch 256 ang petition for bail ni dating Sen. Leila de Lima.

May kaugnayan ito sa isa pang drug case ni De Lima na hinggil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Batay sa desisyon ni Muntinlupa RTC Branch 256 Judge Romeo Buenaventura, wala silang nakikitang panganib sa kalusugan ng senadora o ano mang banta sa loob ng detention cell nito.


Ikinalungkot naman ni Atty. Boni Tacardon ang pagkakabasura sa kanilang petisyon para sa pansamantalang kalayaan ng kanyang kliyente.

Facebook Comments