Wednesday, September 30, 2026

Petisyon kaugnay sa isyu ng 2/3 na boto na kailangan para ma-convict sa impeachment case, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa interpretasyon ng Senate Impeachment Court sa 2/3 vote na kinakailangan para sa conviction sa impeachment case.

Kaugnay ito sa nagpapatuloy na impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ibinasura ang petisyon dahil sa procedural grounds, kabilang ang kawalan ng legal standing at pagiging premature ng mga kaso.

Inihain ang mga naturang petisyon nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Berteni Causing at Atty. Ernesto Francisco Jr.,

Iginiit ng mga ito na dapat bilangin sa botohan ang lahat ng 24 na senador kabilang ang mga hindi makadalo dahil naka-detain, medical leave o bunsod ng pansamantalang pagliban.

Nitong September 23 nang magpasya ang Impeachment Court na ang tinutukoy na “all the Members of the Senate” sa Constitution ay mga senador na legal at aktuwal na lumalahok sa impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte sa oras ng botohan.

Facebook Comments