Wednesday, September 30, 2026

Ilang properties ni ex-Speaker Velasco sa Pasig City, sinalakay ng NBI

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsagawa sila ng raid noong August 24 sa mga bahay sa Valle Verde, Pasig, matapos makatanggap ng ulat hinggil sa mga iligal na high-powered firearms bagama’t walang nakitang baril sa operasyon.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, lumabas sa kanilang rekord na kabilang ang mga sinalakay na ari-arian kay dating House Speaker Lord Allan Velasco na lumipad ng patungong Nagoya, Japan noong August 30.

Nilinaw ng ahensiya na hiwalay ang operasyong ito sa mga alegasyon ng sinibak na dating tauhan na si Rodulfo Gracioso Jr., tungkol sa umano’y paghahatid ng malalaking halaga ng pera sa pamilya ni Vice President Sara Duterte.

Patuloy pa ring sinusuri at binibigyan ng pagkakataong sumagot ang mga pinangalanang indibidwal habang pinabulaanan naman nina VP Duterte at ng kampo ni Velasco ang mga naturang paratang.

Facebook Comments