BI, naka-heightened security alert sa kanilang detention facility sa Taguig

Naka-heightened security alert ngayon ang bagong team ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang detention cell sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Partikular na pinaiiral ngayon ang mahigpit na seguridad sa mga fugitive na nakakulong sa detention center.

Inilipat kasi sa ibang kulungan ang mga pugante at inilayo sila sa ibang deportees.


Kasunod na rin ito ng raid sa BI detention facility kung saan nakuha ang mga ipinuslit na gadgets para sa Japanese fugitives.

Sa ngayon, hawak na ng Department of Justice (DOJ) ang report ng BI sa ginawang raid sa kanilang pasilidad sa Camp Bagong Diwa.

Facebook Comments