Personal na binisita ni Mayor Arth Bryan C. Celeste ang sanitary landfill ng lungsod upang tiyakin ang kalagayan ng pasilidad matapos ang naganap na sunog na nagsimula noong araw ng Biyernes.
Ayon sa ibinahaging post ng pamahalaang lungsod, kontrolado na ang insidente at patuloy na minomonitor ang lugar upang maiwasan ang muling paglala ng sitwasyon.
Ayon sa ibinahaging post ng pamahalaang lungsod, kontrolado na ang insidente at patuloy na minomonitor ang lugar upang maiwasan ang muling paglala ng sitwasyon.
Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat ang alkalde sa mga bumbero na nagtulungan upang maapula ang apoy.
Hanggang sa kasalukuyan, nakaantabay pa rin ang mga ito sa lugar at nagsasagawa ng 24-oras na pagbabantay bilang pag-iingat.
Facebook Comments







