Bilang pasasalamat sa mga blood donor ng Manaoag, namigay ng limang kilong bigas at grocery pack ang lokal na Pamahalaan.
Dumagsa ang mga residente at nagsagawa ng mga medical check-ups at screening upang matiyak ang kaligtasan ng mga donor bago pa man sila magbigay ng dugo.
Umabot sa 63 bags na dugo ang nalikom na makakatulong sa mga pasyente na nangangailangan ng agarang transfusion at sa mga emergency cases.
Bawat donor ay nabiyayaan ng bigas at grocery pack bilang gantimpala sa kanilang hindi matatawaran kabayanihan.
Ang naturang hakbang ay isang paraan upang pasalamatan at hikayatin pa ang iba pang mamamayan na maging bahagi ng ganitong mahalagang gawain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments