HIGIT P359K HALAGA NG SHABU AT MARIJUANA, NASAMSAM SA BUY-BUST

Tinatayang nasa Php 359,672.00 halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Rosales, Pangasinan at Laoag City, Ilocos Norte. Dalawang suspek ang naaresto sa magkasunod na operasyon.

Sa Rosales, Pangasinan, nasamsam ng mga operatiba sa Isang 45 anyos na lalaki ang 51.04 gramo ng shabu na nakalagay sa apat na heat-sealed transparent plastic sachet at isang plastic ice bag. Ang nasabing ilegal na droga ay nasa 347,072.00.

Sa Laoag City, Ilocos Norte, isang pinagsanib na operasyon ng Police Provincial Drug Enforcement Unit, Ilocos Norte PDEA, Laoag City Police Station, Provincial Intelligence Unit, at PDEA RO1 ang nagresulta sa pagkakasamsam ng 105 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa isang ziplock bag at isang heat-sealed transparent sachet.

May kabuuang halagang 12,600.00 ang nakumpiskang marijuana. Naaresto naman ang isang 22-anyos na high-value individual. Kulong ang dalawa na nahaharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments