Bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19, mahigit 64,000 na

Umaabot na sa 64,298 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19.

4,011, 625 naman ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng infection sa buong bansa.

Sa naturang bilang, 16,034 ang aktibong kaso.


Pinakamarami namang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ay mula Nationalo Capital Region (NCR) na may mahigit 1.2 milyon.

Sinundan ito ng CALABARZON na mahigit 718 ,000, at pumangatlo ang Central Luzon na mahigit 395,000.

Pang-apat ang Western Visayas at panglima ang Central Visayas.

Facebook Comments