Bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19, mahigit walong libo na

59

Umaabot na sa 8,025 o 1.93% ang namatay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos madagdagan ng 27 ngayong araw.


1,639 naman ang naitalang bagong kaso ng virus sa bansa kaya umaabot na ngayon ang total cases sa 415,067.

Ang aktibong kaso naman ay 31,805 o 7.7%.

Karamihan naman sa mga bagong kaso ay naitala mula sa Davao City, Laguna, Quezon City, Rizal at Cavite.

305 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 375,237 o 90.4%.




Samantala, 13 mga Pilipino sa abroad ang panibagong tinamaan ng COVID-19.

Bunga nito, ang total cases na sa hanay ng overseas Filipinos ay 11,558 at ang aktibong kaso ay 3,246.

8 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 7,478.

Isa namang Pinoy ang binawian ng buhay sa ibayong dagat kaya ang total fatalities na ay 834.

Facebook Comments