Bilang ng mga nasawi sa pag-araro ng isang 10-wheeler truck sa pila ng mga tricycle at ilang mga tindahan sa Rizal, pumalo na sa anim

36

Manila, Philippines – Pumalo na sa 6 ang bilang ng mga nasawi sa pag-araro ng isang 10-wheeler truck sa pila ng mga tricycle at ilang mga tindahan sa Cabrera road, Taytay, Rizal kahapon.

Ayon kay Supt. Samuel Delorino, hepe ng Taytay PNP, binawian na rin ng buhay ang isang bata na naipit ng nayuping tricycle matapos na dalhin sa Taytay emergency hospital.

Labing-pito katao naman ang naiulat na sugatan sa nangyaring aksidente.

Ayon kay Engr. Elmer Espiritu ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction Office, matagal nang may ipinatutupad na 10 km/h na speed limit sa Cabrera road, pero hindi naman ito sinusunod ng mga driver.

Patuloy na sumasailalim sa imbestigasyon ang naarestong driver ng truck na si John Paul Teston.

Facebook Comments