Lalaki, timbog sa buy-bust operation ng pulisya sa Quezon City

61

Manila, Philippines – Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa isang parlor sa Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City.

Ayon kay sr. Insp. Ramon Acquiatan ng drug enforcement unit ng Quezon City Police District station-7, ang operasyon ay agad na isinagawa matapos na mag-report ang may-ari ng parlor na lantaran umano ang bentahan ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Inamin naman ito ng suspek na si Manuel Reyes, 37-anyos at sinabing kumikita siya ng 250 pesos kada sachet ng shabu.

Aabot sa 10 sachet ng shabu ang nakumpiska sa kanya kasama ang marked money na ginamit sa operasyon.

Facebook Comments