
Nasa Singapore na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang working visit sa bansa hanggang October 11, 2026, kasunod ng imbitasyon ni Prime Minister Lawrence Wong.
Dadalo ang Pangulo sa 24th Forbes Global CEO Conference, kung saan makikipag-ugnayan siya sa mga business leader at investors mula Singapore at iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ihaharap ni Marcos ang mga oportunidad sa Pilipinas sa digital technology, artificial intelligence o AI, advanced manufacturing, infrastructure, energy at healthcare.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang pagbisitang ito dahil magiging chair ng ASEAN ang Singapore sa 2027.
Kasama rin sa kanyang agenda ang pagbisita sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute upang pag-aralan ang karanasan ng bansa sa nuclear technology at safety.
Samantala, dadalo rin ang Pangulo sa Singapore Grand Prix sa huling araw ng kaniyang working visit.
Inatasan naman sina Executive Secretary Ralph Recto, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Justice Secretary Fredderick Vida bilang mga caretaker ng bansa habang nasa Singapore ang Pangulo.










