Bilang ng mga presong nakatakas kahapon sa Bilibid, umaabot na sa 4

959

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na apat na ang kumpirmadong nakatakas sa New Bilbid Prisons (NBP) kahapon ng madaling araw.

Ayon kay BuCor Spokesman Asec. Gabriel Chaclag, ang pang-apat na pugante ay si Chris Ablas, na convicted sa kasong robbery with homicide.

Bukod kay Ablas, patuloy rin na tinutugis ang isa pang tumakas na Persons Deprived of Liberty (PDL) na si Drakilou Falcon.


Kinumpirma rin ni Chaclag na nanatili naman naka-lockdown ang Maximum Security Compound ng NBP hanggang sa ngayon.

Nauna ng napatay sa shootout ang dalawa sa mga puganteng PDL na sina Pacifico Adlawan at Arwin Bio, habang 2 prison guards ng NBP ang nasugatan.

Facebook Comments