
Mahigpit na pinababantayan ni Senate President Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maipapatupad ng lahat ng mga distribution utilities ang pagalis ng VAT sa singil sa system loss ng kuryente.
Ito’y matapos desisyunan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tanggalin na ang VAT sa electricity system loss charges.
Ayon kay Gatchalian, dapat na direktang maramdaman ng mga consumers ang pagbaba sa singil sa kuryente sa pagtiyak na tutupad ang mga distribution companies sa pagalis ng VAT sa singil sa system loss.
Hindi rin aniya dapat matapos ang mga pagsisikap para tuluyang maibaba ang singil sa kuryente.
Tiniyak ni Gatchalian na patuloy na isusulong ng Senado ang mga batas na magpapababa o tuluyang magaalis sa system loss charges na ipinapasa sa mga consumers.










