Tuesday, May 5, 2026

Higit 100,000 indibidwal, natulungan ng PCG ilikas matapos ang pagsabog ng Bulkan Mayon

Aabot sa higit 195,000 na indibdwal ang nailikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na apektado ng pagsabog ng Bulkang Mayon sa Bicol region.

Sa naging panayam kay PCG Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, tuloy-tuloy ang kanilang mga hakbang upang matulungan ang mga pamilya matapos sumabog ang naturang ng bulkan.

Giit ni Commodore Cayabyab, isa sa mga pangunahin nilang layunin na matiyak ang kaligtasan ng mga residente na nakatira malapit sa paanan ng Bulkan Mayon.

Nagpadala na rin sila ng dalawang water purification / desalination unit partikular sa Guinobatan at Camalig, Albay.

Ito’y upang makapagbigay ng 10,000 litro ng malinis na inuming tubig sa mga residente kada araw.

Katuwang din ang mga PCG personnel sa clearing operation upang alisin ang naipong ash fall sa kalsada, tungo sa maayos at ligtas na pagbiyahe ng mga sasakyan sa lugar.

Facebook Comments