Wednesday, May 6, 2026

VP Sara, kinumpirmang wala nang pera ang Pilipinas

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na wala nang pera ang Pilipinas.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, kinumpirma ni VP Sara na sa katunayan ay nakatanggap na sila ng memo na nag-aatas sa kanila na i-compute na ang savings ng Office of the Vice President.

Nais aniya kasi malaman ng Budget Department kung magkano pa ang savings ng mga tanggapan ng gobyerno.

Facebook Comments