17 KATUTUBONG MAMAMAYAN SA SUAL, NAREHISTRO ANG KAPANGANAKAN SA MOBILE CIVIL REGISTRATION NG PSA

Nakarehistro na ang kapanganakan ng 17 katutubong mamamayan o Indigenous Peoples (IPs) mula sa bayan ng Sual sa pamamagitan ng mobile registration ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP).

Isinagawa ang aktibidad noong Pebrero 6, 2026 sa Batidape Community School sa Sitio Baito, Barangay Poblacion, Sual, Pangasinan.

Layunin ng programa na matulungan ang mga hindi pa rehistradong IPs na magkaroon ng birth certificate bilang patunay ng kanilang legal na pagkakakilanlan.

Ayon sa PSA, natukoy at napatunayan ang mga benepisyaryo sa tulong ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang matiyak na naaabot ang mga katutubong pamayanan.

Sa kabila nito, nananatili pa ring hamon sa ilang liblib na lugar ang hindi rehistradong kapanganakan na nakaaapekto sa access sa serbisyong pampubliko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments