Birthday celebration ni Raymond Gutierrez, inulan ng batikos

105

Kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ng host/influencer na si Raymond Gutierrez kasunod ng umano’y iresponsable nitong pag-host ng kanyang 37th birthday celebration.

Ito ay matapos ipasara ng mga otoridad ang isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig dahil sa paglabag nito sa community quarantine protocols.


Hindi na nakatanggi pa si Raymond dahil una nang kumalat sa Twitter ang kaniyang birthday photos, kung saan hindi nasunod ang physical distancing.

Say ng netizens, dapat ay isinaalang-alang muna ang mga taong pwedeng mawalan ng trabaho dahil lamang sa kagustuhan nilang mag-party.

Facebook Comments