Bishop Bacani, binalaan ang publiko laban sa ‘auth oritarianism’ sa ilalim ng Duterte administration

245

Manila, Philippines – Binalaan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang publiko laban sa “authoritarianism” sa ilalim ng Duterte administration.

 

Kaugnay ito ng intensyon ni Duterte sa pagpapaliban ng barangay elections at pagtatalaga na lang ng mga magiging kapalit nito.

 

Ayon kay Bacani na naging miyembro ng 1986 Constitutional Commission, unti-unting nagkakaroon na authoritarian government ang gobyerno.

 

Aniya ang pag-appoint sa mga barangay officials ay labag sa basics ng “elementary democracy.”

 

Nakasaad aniya sa batas na ang taumbayan ang pipili at hindi ang Pangulo. 



Facebook Comments