BJMP Chief Jail Director Allan Iral, nagbabala sa mga personnel nito kaugnay sa ipinupuslit na illegal drugs sa mga jail facilities

54

Binalaan ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ang mga personnel nito na panatilihin ang disiplina at proteksyon sa institusyon.

Hinikayat sila ni Iral na siguraduhing ligtas at tiyaking walang makakapasok na iligal na droga sa lahat ng tanggapan at jail facilities.

Inulit ng BJMP Chief ang mahigpit na utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na bawal ang ilegal na droga sa mga jail facilities.


Dapat lang na gawin ng mga jail personnel ng maayos ang trabaho at huwag hayaang maging instrumento sila ng pagkasira ng institusyon.

Aniya, wala umanong puwang ang mga tiwali at mapang-abuso sa hanay ng BJMP

Banta pa ni Iral sa mga personnel na malilihis ng landas,na may pagkakalagyan ang mga ito.



Facebook Comments