Wednesday, June 3, 2026

Rep. Suntay, pinatawan ng disciplinary action ng Kamara

Pinatawan ng disciplinary action ng House of Representatives si Quezon City 4th District Bong Suntay dahil sa kanyang pahayag noon na nag-init sya ng makita sa mall ang aktres na Anne Curtis.

263 mga kongresista ang bomoto pabor sa pagpaparusa kay Suntay, 8 ang komontra at 7 ang nag-abstain.

Batay sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics ang priviliges na pinamumunuan ni Rep. JC Abalos, si Suntay ay inaatasan na mag-public apology kay Curtis at sa mga kababaihan, magsagwa ng community service at dumalo sa gender sensitivity seminar.

Tugon ito ng komite sa inihaing ethics complaint kay Suntay dahil sa pahayag nito patungkol kay Curtis sa pagdinig ng House Committee on Justice ukol sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Nakasaad sa Committee Report No. 299 na binasa sa plenaryo ni Abalos na
na ang nabanggit na asal at mga kaugnay post sa social media ni Suntay ay naka-apekto sa dignidad, integridad at reputasyon ng Kamara bilang institusyon.

Facebook Comments