BJMP official na sinasabing nanghalay ng lesbian, isinailalim na sa inquest proceedings sa Pasay Prosecutor’s Office

67

Isinalang na sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa kasong panggagahasa sa isang lesbian noong January 16, 2021.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor, ang suspek ay kinilalang si BJMP Sr. Insp. Ramon Padolina Carolino habang ang biktima ay isang 26-year old lesbian.


Ayon sa biktima, nangyari ang panghahalay sa kanya matapos ang kanilang drinking session sa kanilang boarding house sa Pasay City, kung saan tinakot daw siya ng suspek at pinagbantaan na mayroon itong nalalaman tungkol sa kanya.

Agad namang naaresto ang suspek sa hot pursuit operation ng NBI.

Isinailalim naman sa chemical analysis ang nakuhang boxer shorts at bed sheet ni Carolino, gayundin ang pillow case, blanket at bed sheet ng biktima na mayroong blood stains at body fluids.

Facebook Comments