Monday, October 19, 2026

Mga residente ng Quezon City, muling pinaalalahanan na mag-ingat laban sa Influenza-Like Illnesses

Muling nagpaalala ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division sa mga residente ng lungsod na mag-ingat laban sa mala-trangkasong sakit na may kasamang ubo at sipon o Influenza-like Illnesses.

Kabilang sa mga pag-iingat na pwedeng gawin ay ang regular at wastong paghuhugas ng kamay, pagsunod sa wastong resperatory hygiene, pagsusuot ng face mask sa mataong lugar, at pag-iwas sa mga taong may sakit nito.

Sa pinakahuling tala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, 1,578 na kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) na ang naitala sa lungsod mula January 1 hanggang October 15.

Samantala, patuloy naman na mino-monitor ng Disease Surveilance Officers ng lungsod ang mga bagong kaso ng nasabing sakit sa mga distrito, para maiwasan ang pagkalat nito.

Mas din mainam umanong bantayan ang mga sintomas, paraan ng pagkalat, at sundin ang mga simpleng paraan para protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad laban sa nasabing sakit.

Sakaling makaranas ng sintomas o nahihirapang huminga, pinapayuhan ng city health department na magpakonsulta agad sa pinakamalapit na ospital o health center para hindi na lumala pa ang sakit.

Facebook Comments