KAMALAYAN SA EARLY DETECTION AT PAG-IWAS SA BREAST CANCER, PINAIGTING SA SAN CARLOS CITY

Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng early detection at pag-iwas sa breast cancer sa pamamagitan ng isang programang pangkalusugan kaugnay ng Breast Cancer Awareness Month.

Isinagawa ang aktibidad noong sa pangunguna ng City Population Office.

Layunin ng programa na ilapit sa komunidad ang mahahalagang impormasyon tungkol sa breast cancer, kabilang ang mga paraan ng maagang pagtuklas, pag-iwas, at angkop na pangangalagang medikal.

Nagbahagi ng kaalaman sina Dr. Rehana V. Pallingayan, Medical Specialist III ng Region 1 Medical Center, at Dr. John Louis B. Deomampo, General Surgeon ng Pangasinan Provincial Hospital.

Binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng regular na pagsusuri sa sarili, pagpapatingin sa mga health professional, at pagsailalim sa mga inirerekomendang screening upang matukoy agad ang mga posibleng senyales ng breast cancer.

Hinikayat din ang publiko na panatilihin ang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya, regular na pisikal na aktibidad, pag-iwas sa paninigarilyo, at paglilimita sa pag-inom ng alak.

Bukod sa pangangalaga sa sariling kalusugan, binigyang-halaga rin ang pagbibigay ng suporta sa mga kapamilya at iba pang kababaihang maaaring nangangailangan ng gabay at tulong kaugnay ng breast cancer.

Sa pamamagitan ng naturang programa, patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ang pagpapalawak ng kaalaman ng komunidad tungkol sa pangangalaga sa kalusugan at kahalagahan ng maagap na pagkilos laban sa breast cancer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments