
Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) sa mga importers at consignee na agad na asikasuhin ang mga kaukulang dokumento upang hindi masayang ang kanilang kargamento.
Ang babala ng BOC ay kasunod ng inspeksyon sa Manila International Container Port kung saan 26 na container ng pulang sibuyas ang inabandona at nabubulok na.
Dahil dito, pinamamadali na ni Customs Commissioner Ariel Nepomucemo ang pagproseso ng mga clearance para sa mga imported na produkto partikular ang mga perishable goods.
Ito ay para masigurong maayos agad ang mga dokumento at pagbabayad sa mga ipinapasok na mga produkto.
Una nang naglabas ng memorandum si Nepomuceno hinggil sa isyu na ito kung saan diin ng opisyal na hindi dapat pinatatagal ang pagproseso para ma-release ang mga produkto.
Ito ay para mapaluwag din ang pantalan at maiwasan ang port congestion bukod sa pagkasayang ng mga produktong itinatambak lamang sa halip na mapakinabangan.










