BPSO CCTV OPERATORS SA BAYAMBANG, SUMAILALIM SA REFRESHER TRAINING

Sumailalim sa refresher training ang mga CCTV operator at administrative staff ng Bayambang Public Safety Office o BPSO bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng seguridad at kaayusan sa bayan.

Isinagawa ang pagsasanay nitong Setyembre 26, 2026, sa Sangguniang Bayan Session Hall at dinaluhan ng 30 kalahok mula sa BPSO.

Nagsilbing mga tagapagsanay sina Arniel Falogme at Albert Abellera, kapwa Lead Installer, at Angel Ray Ferrer, Manager, mula sa ARLH10 IT Solution.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapaigting ang kaalaman at kasanayan ng mga kawani sa wastong pagmamanman at paggamit ng CCTV bilang suporta sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa buong Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments