Pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Sison ang posibleng lumalalang epekto ng El Niño sa pamamagitan ng pagbuo ng Municipal El Niño Action Plan.
Sa joint meeting noong Setyembre 23, nagpulong ang Municipal El Niño Team (MENT) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng bayan at bumuo ng plano sa maagap na pagtugon ngayong mainit ang panahon.
Ayon sa DOST-PAGASA, umiiral ang Strong El Niño sa Tropical Pacific at maaari pa itong lumakas sa Very Strong El Niño sa mga susunod na buwan.
Kaugnay nito, tinalakay sa pulong ang mga posibleng epekto sa iba’t ibang sektor at ang mga kinakailangang hakbang at interbensiyon ng mga kinauukulang tanggapan.
Pinaalalahanan naman ng bayan ang mga residente na magtipid at gumamit nang wasto ng tubig bilang bahagi ng paghahanda sa epekto ng El Niño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








