BREAST CANCER SCREENING, HANDOG SA MGA KABABAIHAN SA SAN FABIAN

Magkakaroon ng libre at malawakang breast cancer screening ang DOH Ilocos Center for Health Development para sa mga mamamayan ng San Fabian nitong Oktubre 10.

Imbitado ang mga kababaihang nasa edad 30 hanggang 65 na taon sa gaganapin na programa at bukas lamang sa unang 300 na benepisyaryong makikilahok.

Bukod sa breast cancer assessment kasama rin sa programa ang cervical cancer screening at non-communicable risk assessment.

Noong Pebrero, inanunsyo ni Francisco De Vera Jr., regional program manager ng National Integrated Cancer Control Program, kung gaano ka-importante ang maagang pagtuklas sa sakit upang maagapan ng maaga.

Samantala, magpapatuloy naman ang programa hanggang Oktubre nitong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments