
Namataan ng Philippine Navy ang 26 na mga barko ng China sa apat na maritime features ng West Philippine Sea nitong July 21 hanggang 26.
Kung saan sa Ayungin Shoal, namataan ang pitong China Coast Guard vessels at dalawang PLA Navy ships habang sa Bajo de Masinloc ay may namataan na 13 CCVs.
Samantala, isang CCGVs ang na-monitor sa Escoda Shoal at isang CCGVs din at dalawang PLA Navy ships ang na-monitor naman sa Pagasa Island.
Patuloy naman ang pagtitiyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay nito sa Pambansang teritoryo at soberanya ng Pilipinas alinsunod sa International law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Facebook Comments










