Tuesday, July 28, 2026

Inflation, sahod at isyu ng korapsiyon, mga top concern ng mga Pilipino—OCTA Research

Nananatiling pangunahing alalahanin ng mga Pilipino ang mga economic issues sa bansa.

Batay sa Tugon ng Masa nationwide survey, ang pagkontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ang lumalabas na top national concern mula sa 37 percent ng respondents.

Sumunod naman dito ang umento sa sahod, paglaban sa korapsiyon at katiwalian sa pamahalaan, pagkakaroon ng abot-kayang pagkain at dekalidad na edukasyon.

Pagdating naman sa urgent personal concerns, sinabi ng OCTA Research na ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan at pag-iwas sa sakit ang pangunahing concern ng mga Pilipino.

Sunod naman dito ang pagkakaroon ng sapat na pagkain sa araw-araw, may sapat na ipon, magandang trabaho, at makapagtapos o mapatapos ng pag-aaral ang mga anak.

Isinagawa ang survey nitong July 4 hanggang July 11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pilipinong edad 18 pataas na may ±3% margin of error sa 95% confidence level.

Facebook Comments