BuCor, bukas para ipagamit ang mga lupain ng penal farms bilang tulong sa food security ng bansa

Bukas ang Bureau of Corrections (BuCor), upang ipagamit ang mga lupain ng penal farms gayundin ang tulong ng mga persons deprived of liberty (PDLs) upang makatulong sa food security ng bansa.

Ayon kay BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., ito’y upang mapagtaniman ng bigas, mga gulay at agricultural products nang sa gayon ay makapag-supply din sa merkado.

Nakipagpulong na rin sila sa Department of Agriculture (DA) upang magkaroon ng partnership at kung papaano maibebenta ang mga produktong kanilang itatanim sa kanilang lupain.


Handa naman ang BuCor sa mga posibleng mangyari kung sakaling payagan sila ng DA at pamahalaan sa tulong na kanilang inaalok.

Facebook Comments