BuCor, itinangging suspendido ang pagdalaw sa mga bilanggo sa Bilibid

Pinabulaanan ng Bureau of Corrections (BuCor) na suspendido ang visitation privileges ngayon sa persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor Chief Director Gen. Gregorio Catapang Jr., nagkaroon lamang ng kalituhan sa pagitan ng ilang BuCor officials at sa mga bisita.

May ilan din aniyang tauhan ng BuCor ang sumasabotahe sa kanya kaya nagpapalabas ng mali-maling impormasyon sa publiko.


Una nang napaulat na suspendido ang pagdalaw sa inmates sa Bilibid hanggang June 9.

Facebook Comments