
Nagpasalamat si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kina San Miguel Corporation (SMC) Chairman at sa pinuno ng SMC Foundation, para sa kanilang malaking donasyon ng mga kagamitang pang-edukasyon para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL).
Ayon sa BuCor, ito’y bahagi ng patuloy na kampanya para bigyan ng bagong pag-asa ang mga PDL sa minimum security compound sa pamamagitan ng edukasyon.
Ani Catapang, mahalaga kasi na mayroong komportableng lugar ng pag-aaral para sa mga PDL na nais magbagong-buhay.
Samantala, nagpapasalamat din ang BuCor sa University of Perpetual Help System Dalta dahil simula pa 1980s ay tumutulong na ito sa pagbibigay ng edukasyon sa mga PDL kung saan umabot na sa 1,072 PDLs ang nakapagtapos ng kolehiyo.
Bukod sa P50 milyong pondo para sa edukasyon, sinimulan na rin ng SMC Foundation noong nakaraang taon ang pagtupad sa P100 milyong food commitment para sa mga PDL, na ipamamahagi sa loob ng tatlong taon.