
Arestado ang isang pugante sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police sa Sitio Sto. Niño, San Martin De Porres sa lungsod ng Parañaque.
Ayon sa Southern Police District ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas Ryan Christian, 27-year old.
Kabilang rin sa top eight most wanted person na nahaharap sa kasong 16 counts of Qualified Theft.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rainald Cajurao Paggao ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 142, aabot sa kabuuang P456,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Samantala, nasa kustodiya na ng Parañaque City Police at inihahanda ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa suspek.