
Hindi makumpirma ng Malacañang kung pumayag noon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y hiling ni Vice President Sara Duterte na gamitin ang presidential chopper para makauwi sa Davao gabi-gabi.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, si VP Sara na mismo ang nagsabi noon na kabilang sa napag-usapan nila ng Pangulo ang paggamit ng presidential chopper upang makauwi at makasama ang kanyang mga anak.
Gayunman, sinabi ni Castro na wala siyang personal na kaalaman kung pinagbigyan ng pangulo ang naturang hiling dahil hindi pa siya bahagi ng administrasyon nang panahong iyon.
Idinagdag pa ni Castro na maaaring kwentahin na lamang ng publiko kung gaano kalaki ang magagastos ng gobyerno kung ipinatupad ang umano’y kahilingan ng bise presidente na araw-araw gamitin ang presidential chopper sa pag-uwi sa Davao.










